Habang naghihilot ako sa erpats kong pagod galing sa
trabaho, habang kumakain ako at ang kapatid at nanay ko ay nanonood ng palabas
sa tv. Iniisip ko, kung ano ang ilalagay ko dito.
man·i·fes·to
noun \ˌma-nə-ˈfes-(ˌ)tō\
: a
written statement that describes the policies, goals, and opinions of a person
or group
weirdo
noun \ˈwir-(ˌ)dō\
: a
strange or unusual person
: a person who is extraordinarily strange or eccentric
Ito ay isang Manifesto
ng isang self-proclaimed na weirdo.
Weirdo ako sa kadahilanang may mga
kaganapan sa buhay ko na hindi natin masasabi na normal sa kalakaran ng
pag-iisip. Pinipilit ko na maging matino kahit na sumasabog ang pagiging walang
hiya ng aking utak.
Ang mga nilalaman nitong mga panunulat na ito ay maaaring
kathang-isip lamang o nangyari sa totoong buhay. Maaaring ang mga ito ay
maglaman ng mga bagay na hindi kaaya-aya sa mata at utak ng ibang tao, kaya
ngayon pa lang humihingi na ako ng paumanhin. Ang mga isinulat na ito ay hindi
direktang bumabatikos sa mambabasa bagkos ito at bumabanat sa paguutak at
personalidad ng manunulat at sa mga nangyayari sa kanyang paligid ayon sa
kanyang pananaw.
Para ito sa isang tao na putanginang pulpol, ulupong, sabog,
at kupal na pagiisip. Sa basura, walang pakinabang pabigat, at walang kwentang
tao. Tangina! PAkshit ka men, pakamatay ka na.