Monday, April 14, 2014

Intro Shit

Habang naghihilot ako sa erpats kong pagod galing sa trabaho, habang kumakain ako at ang kapatid at nanay ko ay nanonood ng palabas sa tv. Iniisip ko, kung ano ang ilalagay ko dito.
man·i·fes·to
 noun \ˌma-nə-ˈfes-(ˌ)tō\
: a written statement that describes the policies, goals, and opinions of a person or group

weirdo
 noun \ˈwir-(ˌ)dō\
: a strange or unusual person
:  a person who is extraordinarily strange or eccentric

Ito ay isang Manifesto ng isang self-proclaimed na weirdo. Weirdo ako sa kadahilanang may mga kaganapan sa buhay ko na hindi natin masasabi na normal sa kalakaran ng pag-iisip. Pinipilit ko na maging matino kahit na sumasabog ang pagiging walang hiya ng aking utak.

Ang mga nilalaman nitong mga panunulat na ito ay maaaring kathang-isip lamang o nangyari sa totoong buhay. Maaaring ang mga ito ay maglaman ng mga bagay na hindi kaaya-aya sa mata at utak ng ibang tao, kaya ngayon pa lang humihingi na ako ng paumanhin. Ang mga isinulat na ito ay hindi direktang bumabatikos sa mambabasa bagkos ito at bumabanat sa paguutak at personalidad ng manunulat at sa mga nangyayari sa kanyang paligid ayon sa kanyang pananaw.


Para ito sa isang tao na putanginang pulpol, ulupong, sabog, at kupal na pagiisip. Sa basura, walang pakinabang pabigat, at walang kwentang tao. Tangina! PAkshit ka men, pakamatay ka na.